Hindi ipinagdiriwang noon ng mga katutubong T’Boli ng Lake Sebu, South Cotabato ang Pasko. Pero nang dumating ang mga Kastila, unti-unti nilang niyakap ang tradisyon ito ng mga Kristiyano.

Sa programang "iJuander," sinabing nagkakaroon ng pagtitipon ang mga katutubong T'Boli sa “Guno Bong” (isang tradisyunal na bahay) para paghandaan ang selebrasyon ng Pasko, na tinatawag sa kanila na Kesut nga Dwata.

Mayroong din silang bersiyon ng karoling na kung tawagin ay lingon be kesut nga dwata. Pinapangunahan ito ng kanilang prinsesa o Boi Lemingon na si Rosie Sula, para mangaroling sa Gono Hofo Heritage Center.

Suot ang makulay nilang kasuotan na lewek nebung hulo at tedeyung, nangangaroling sila gamit ang mga tradisyonal na instrumento.

At pagkatapos ng pag-awit, papasok na sila heritage center upang ipagpatuloy ang pagtitipon sa gono bong, ang tradisyonal na bahay ng T'Boli.

Paano nga ba ipinagpapatuloy ng mga katutubong T'Boli ang kanilang tradisyon sa mga mahahalagang okasyon? Panoorin ang buong pagdokumento ng "iJuander." Panoorin ang video.

Samantala, ang mga kababayan natin sa Ilocos at ilang bayan sa Cordillera, mayroon din katutubong sayaw na isang uri ng pangangaroling na kung tawagin ay Sakuting. Paano naman kaya ito nagsimula? Alamin din sa video ng "iJuander."


--FRJ, GMA News