Ayon sa isang eksperto, mas delikado sa mga motorista ang mga intersection sa mga secondary road dahil wala itong mga traffic light. Gaya ng nangyari sa isang motorsiklo ang bumangga sa isang kotse, at isa naman motorsiklo ang binangga ng AUV.
Sa isang aksidente, makikitang nagmenor muna ang kotse bago pumasok sa "yellow box" ng intersection. Pero bago pa tuluyang makatawid ang kotse, isang motorsiklo ang bumangga sa kaniya at tumilapon ang rider.
Kapwa naman hindi nagmenor ang motorsiklo at AUV sa isa pang aksidente sa intersection. Nahagip ng AUV ang motorsiklo at pumailalim pa ito sa sasakyan.
Makaligtas kaya ang mga rider ng dalawang motorsiklo? At ano ang acronym na "S.E.E." na dapat na tandaan ng mga motorista kapag may intersection na dadaanan upang maging iwas-disgrasya?
Maging ligtas, panoorin ang video na ito ng "Alisto."
--FRJ, GMA News