Marami ang nahabag sa gumagawa ng parol na si Maximo Simon ng Sta. Manila, nang mag-viral ang kaniyang post tungkol sa 700 parol na ipinagawa sa kaniya pero hindi na raw kinuha ng umorder.
Kasabay ng pagkakatengga ng mga parol ay ang pagkawala ng tinatayang P70,000 kita na ang puhunan ay ipinangutang lang niya.
Dahil sa nangyari, wala na raw ginawa si Mang Maximino kung hindi ang maglasing at umiyak dahil sa matinding sama.
Bukod kasi sa ipinangutang lang niya ang puhunan, nanghihinayang din siya sa pagod na ginawa nila ng iba pang manggagawa.
Pero nagbago ang lahat nang dumagsa ang suporta sa kaniya ng netizen at pinakyaw ni Manila Mayor Isko Moreno ang kaniyang mga parol.
Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ipinakita ang paghaharap sa barangay nina Mang Maximino at ang babaeng sinasabing kakontrata niya sa paggawa ng mga parol.
Bakit nga ba itinigil ng kakontrata ang pagkuha ng mga parol at puwede bang magsampa ng kaso si Mang Maximino? Panoorin ang episode na ito ng "KMJS."
--FRJ, GMA News