Pahirapan man sa paghihintay, sulit naman para sa mga Boholano ang paghuli ng seafood na Takla, dahil mas masarap pa ito kaysa hipon na puwedeng iluto sa sinigang o gata.
Sa programang "Pinas Sarap," sinabing ipinagmamalaki ng Calape, Bohol ang Takla o crayfish na mas maliliit kaysa hipon at may maliliit na sipit tulad ng sa mga sugpo at kulay itim kapag sariwa.
Pahirapan ang paghuli sa mga Takla dahil naninirahan ang mga ito sa maputik na bakawan at kailangang maghintay bago sila kumagat sa pain.
Ngunit kapag nahuli na, mas manamis-namis naman ito sa hipon kaya swak ito sa iba't ibang putahe. — Jamil Santos/DVM, GMA News