Patay matapos barilin ng riding in tandem sa labas ng kaniyang bahay ang isang call center agent sa Cebu City.
Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabing nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang 26-anyos na biktima.
Nakaupo sa labas ng kaniyang bahay ang biktima sa Barangay Tejero nang pagbabarilin siya ng mga salarin na sakay ng motorsiklo.
Nahuli-cam ang pagtakas ng mga salarin.
Ayon sa pulisya, kabilang sa mga anggulo na tinitingnan na motibo sa krimen ay ang love triangle, problema sa ilegal na droga, at away ng gang.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, kinilala ang biktima na si John Dave Mendiola Estoton.-- FRJ, GMA Integrated News