Gaganapin sa bansa sa susunod na linggo ang pagtitipon ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN. Alam ba ninyo na apat na beses nang naging host ng ASEAN Summit ang Pilipinas, kabilang na ang isang Informal Summit.
Nabuo ang ASEAN sa ginanap na pagpupulong noong August 1967 sa Bangkok, Thailand. Limang bansa ang naging founding members nito na binubuo ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand.
Ngayon, sampu na ang miyembro ng ASEAN matapos magdagdag ang mga bansang Brunei (1984), Vietnam (1995), Laos at Myanmar (1997), at ang Cambodia (1999).
Nangyari ang unang pagiging host ng Pilipinas sa ASEAN Summit noong 1987 na ginanap sa Maynila, at sumunod noong 2007 na ginanap naman sa lalawigan ng Cebu.
Noong Noong 1999, nagsilbing host din ang Pilipinas sa isinagawang Informal Summit.
Si Ambassador Narciso G. Reyes ang naging kauna-unahang Pinoy na nagsilbing Secretary General ng ASEAN noong July 1980. -- FRJ, GMA News