Matinding pananakit ng sikmura ang nararamdaman ng taong hyperacid. Ano nga ba ang mga sintomas nito at paano ito maiiwasan? Panoorin ang pagtalakay ng programang "Pinoy MD."

Si Elsa San Gabriel, 44-anyos, una raw naramdaman ang hyperacidity noong nag-aaral siya kolehiyo.

Lumubha raw ang ang kaniyang karamdaman mula nang magtrabaho lalo na nang maging OFW dahil may mga pagkakataon na nalilipasan siya ng gutom.

Kuwento pa niya, ilan umano sa mga palatandaan na aatakihin na siya ng hyperacidity ay nagsisimula sa pangangasim ng sikmura, makararamdam ng tila paglalaway  at parang may umiikot sa sikmura.

Kapag naramdaman na raw niya ito, naghahanap siya ng kendi o biscuits na pampalaman lang ng tiyan. Pero kung hindi nawala ang pananakit, kailangan na niyang uminom ng gamot.

Ipinaliwanag naman ng isang gastroenterologist ang tungkol sa hyperacidity at ano ang mga puwedeng gawin para maiwasan ang naturang karamdaman. Panoorin ang pagtalakay na ito ng "Pinoy MD:"



Click here for more GMA Public Affairs video:

-- FRJ, GMA News