Itinaas ng PAGASA nitong Miyerkoles ng gabi sa Signal No. 5 ang Northern at eastern part ng Batanes dahil sa lakas ng bagyong "Leon" na isa nang super typhoon.

Sa inilabas na tropical cyclone bulletin ng PAGASA, nakasaad na namataan ang mata ng bagyo sa layong 140 kilometers east ng Basco, Batanes taglay ang pinakamalakas na hangin na 185 kilometers per hour malapit sa gitna, at pagbugso na hanggang 230 kph, at central pressure na 925 hPa.

Kumikilos ang bagyo pa-northwestward sa bilis na 15 kph na may taglay na lakas ng hangin na hanggang 600 km mula sa gitna.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 5 sa Itbayat at Basco sa Batanes na makakaramdam ng lakas ng hangin na mula 118 hanggang 184 kph na may matinding banta sa buhay at ari-arian.

Signal No. 4 naman sa nalalabing bahagi ng Batanes.

Nakataas naman ang Signal No. 3 sa mga lugar ng:

  •     The eastern portion of Babuyan Islands (Babuyan Is., Camiguin Is., Calayan Is.)
  •     the northeastern portion of mainland Cagayan (Santa Ana)

Habang Signal No. 2 sa mga lugar ng:

  •     The rest of Babuyan Islands
  •     the rest of mainland Cagayan
  •     the northern portion of Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Mallig, Maconacon)
  •     Apayao
  •     the northern portion of Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal), the northern portion of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
  •     Ilocos Norte

Umiiral naman ang Signal No. 1 sa mga lugar ng:

  •     the rest of Isabela
  •     Quirino
  •     Nueva Vizcaya
  •     the rest of Abra
  •     the rest of Kalinga
  •     Mountain Province
  •     Ifugao
  •     Benguet
  •     Ilocos Sur
  •     La Union
  •     the northern and central portions of Pangasinan (Basista, Lingayen, Villasis, City of Alaminos, Anda, Malasiqui, Tayug, San Fabian, Mangaldan, Mapandan, Burgos, Dagupan City, Binalonan, Bolinao, Alcala, San Manuel, Sual, Umingan, Asingan, Labrador, Bani, Santo Tomas, Pozorrubio, San Quintin, Santa Maria, City of Urdaneta, Laoac, Natividad, Mabini, San Carlos City, Manaoag, Binmaley, San Jacinto, Bugallon, Agno, Calasiao, San Nicolas, Santa Barbara, Balungao, Sison, Rosales, Dasol)
  •     the northern and eastern portions of Nueva Ecija (Bongabon, Carranglan, Pantabangan, Laur, Rizal, Cuyapo, Talavera, Santo Domingo, Llanera, Science City of Mu oz, General Mamerto Natividad, San Jose City, Lupao, Talugtug, Gabaldon)
  •     the northern and central portions of Aurora (Casiguran, Dinalungan, Baler, Maria Aurora, Dipaculao, San Luis, Dilasag)

Paliwanag ng PAGASA, "The wind signals warn the public of the general wind threat over an area due to the tropical cyclone. Local winds may be slightly stronger/enhanced in coastal and upland/mountainous areas exposed to winds. Winds are less strong in areas sheltered from the prevailing wind direction."

Sa pagtaya ng PAGASA, lalapit ang bagyo sa Batanes sa gabi ng Miyerkules o umaga ng Huwebes.

"A landfall in Batanes is also not ruled out," dagdag nito.

"This super typhoon will be near or at peak intensity during its closest point of approach to Batanes. The landfall of Leon over Taiwan will result in a continuous weakening trend for the rest of the forecast period," paalala ng PAGASA.

Kumikilos ang bagyo pa-northwestward sa Philippine Sea hanggang sa tumama sa kalupaan ng eastern coast ng Taiwan sa Huwebes ng hapon.

Inaasahan na lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.— mula sa ulat ni Mariel Celine Serquina/FRJ, GMA Integrated News