Ang sinarapan ang pinakamaliit na isdang makikita lang sa Pilipinas, partikular sa Lake Buhi sa Camarines Sur. Pero alam ba ninyo kung bakit "sinarapan" ang naging pangalan ng isda? Panoorin ang programang "PinaSarap."
Sa programang "PinaSarap," sinabing tinawag na "sinarapan" ang bulinggit na isda hindi lang dahil sa masarap ito, kung hindi dahil sa ginagamit na bagay para ito mahuli.
Ang gamit ng mga mangingisda sa paghuli sa isda ay tinatawag na "sarap" kaya binansagan ng mga Bicolano ang isda na "sinarapan."
Ang panghuli na "sarap" ay gawa sa pinong lambat na nakatali sa kawayan kaya walang kawala ang "sinarapan."
Pero hindi madaling mahuli ang mga maliliit na isda dahil sa bukod sa kanilang liit, transparent ang kanilang katawan kaya hindi madaling makita at sa madaling araw lang lumalabas.
At dahil sa Luzon lang makikita ang sinarapan, binigyan ito ng scientific name na "mistichthys luzonesis."
Panoorin ang malinamnam na episode ng "PinaSarap" tungkol sa iba't ibang lutuin ng sinarapan:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News