Isa ang patay at isa ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa kalsada sa Tandang Sora Avenue, Quezon City.

Sa ulat ng GMA News Saksi nitong Huwebes, sinabing lumilitaw sa paunang imbestigasyon na nagkagitgitan umano sa daan ang isang puting van at isang pulang pickup.

Bumaba umano ang driver ng van at pinagbabaril ang driver ng pickup, na bumabangga pa sa mga kongkretong barikada.

Patuloy pa umano ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring krimen.

Sa post ni GMA Integrated News reporter James Agustin sa X, sumuko umano ang namaril na driver ng van na isang pulis matapos ang insidente. 

 

 

-- FRJ, GMA Integrated News