Isang bagong silang na babaeng sanggol ang nakita sa palikuran ng isang beach resort sa General Santos City.

Sa ulat ng Super Radyo Gensan, na iniulat din sa Unang Balita nitong Martes, isinalaysay ng supervisor ng resort na nakita ang sanggol ng dalawa nilang customer.

Agad dinala ang sanggol sa ospital at isinailalim sa checkup.

Nai-turn over na sa Department of Social Welfare and Development ang bata na nasa maayos nang kalagayan.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng ina ng sanggol at kung bakit niya ito iniwan.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News