Isang hinihinalang kalansay ng tao ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Sto. Tomas City, Batangas.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog nitong Huwebes, sinabing isang construction worker na naghahanap ng bayawak ang nakakita sa kalansay.
Nasa madamong bahagi ito ng lote na nasa loob ng isang subdibisyon nang makita nitong Miyerkules ng hapon.
Iniulat na ito sa barangay at pulisya para imbestigahan.--FRJ, GMA Integrated News