Isang magsasaka sa Matag-ob, Leyte ang namatay dahil umano sa matinding init, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Batay sa kuwento ng isang kapitbahay, nakita niya ang magsasakang si Rogelio Sumpino na biglang natumba habang may bitbit na mga kahoy.

Wala nang buhay si Sumpino nang dumating ang mga rumespondeng pulis.

Ayon sa municipal health officer, cardiac arrest dahil sa matinding init ang ikinamatay ng magsasaka. —KBK, GMA Integrated News