Nahuli-cam ang pagsemplang ng isang rider matapos na masagi ng minamaneho niyang motorsiklo ang road signage na nasa gilid ng highway sa Bantay, Ilocos Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Huwebes, makikita sa CCTV camera ang pagdausdos ng motorsiklo matapos tumama sa signage na nasa gilid ng highway sa Barangay Bunag East.

Mabuti na lang at hindi nahagip ng isang truck ang biktima.

Nagtamo ng sugat ang rider na dinala sa ospital.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng hindi napansin ng rider ang naturang signage kaya niya tinamaan.--FRJ, GMA Integrated News