Nagkandamatay ang halos 5,000 kilo ng tilapia dahil sa matinding init ng panahon sa San Ildefonso, Ilocos Sur.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Balitanghali nitong Martes, sinabi ng municipal agriculturist na posibleng dulot ng pagkatuyo ng tubig sa ilang palaisdaan at pagbaba ng oxygen level ang pagkamatay ng mga tilapia.
Nakadagdag din ang overstocking sa kulungan ng mga isda.
Samantala, tumaas naman ang presyo ng tilapia sa Laoag, Ilocos Norte sa P10 kada kilo, ayon sa mga nagtitinda.
Kaya naman P150 na kada kilo ang presyo ng tilapia mula sa dating P140.
Limitado rin ang dating ng supply ng tilapia mula sa Pangasinan. —Jamil Santos/NB, GMA Integrated News