Nagbigay-aliw ang isang pari sa Danao City, Cebu nang humataw sa isang sikat na dance craze kasama ang kanyang mga sakristan.

Sa ulat sa “Unang Balita” nitong Martes batay sa impormasyon mula sa GMA Regional TV Balitang Bisdak, kinilala ang pari na si Dennis Kanye Voltron.

Ayon sa pari, bahagi ng kanilang pangangaroling ngayong Kapaskuhan ang kanilang pagsayaw.

Layon daw nitong makalikom ng pondo para sa mga proyekto ng simbahan.Mel Matthew Doctor/AOL, GMA Integrated News