Nasawi ang isang negosyante nang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong salarin ang kaniyang kotse sa Bacolod City.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Western Visayas, na inulat din sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado, kinilala ang biktima na si Ivan Magbanua, na sinubukan pang magmaneho palayo sa lugar, pero bumangga siya sa nakaparadang kotse at tricycle.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung may kinalaman sa negosyo o kung dati nang nakatanggap ng banta sa buhay ang biktima. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News