Naging malikhain ang isang barangay matapos nilang i-recycle ang halos 9,000 na plastic bottles at gawin itong makukulay na tulips sa isang farm sa San Juan, La Union.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing ito ang proyekto ng Barangay Casilagan bilang bahagi ng kanilang environmental protection initiative.
Ginawa ito ng mga residente sa loob ng limang buwan.
Libre sa lahat ang pagpasok sa tulip farm. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News