Isang bangkay ng lalaki na hindi pa nakikilala ang nakita sa creek sa Tanauan City, Batangas.
Sa ulat ni Denise Abante sa GMA Regional TV "Balitang Southern Tagalog" nitong Lunes, sinabi ng pulisya na isang helper sa isang farm ang nagbigay-alam sa barangay tungkol sa nakitang bangkay sa Barangay Malaking Pulo.
Nakatali sa likod ang mga kamay ng biktima at may balot ng masking tape ang mukha.
Ayon sa pulisya, tinatayang nasa limang talampakan ang taas ang biktima, fair complexion , nakasuot ng gray na short at itim na t-shirt.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilan ng biktima.--FRJ, GMA News