BORACAY ISLAND, Aklan—Dalawa pang turista ang inaresto ng Philippine National Police matapos magpresinta ng pekeng RT PCR test bago pumasok sa isla ng Boracay.
Inihayag ni acting Malay Mayor Floribar Bautista sa isang phone interview na dumating ang dalawang turista galing Metro Manila noong December 29.
Nalamang peke ang dalang test result ng hindi kinilalang turista matapos ma-verify sa clinic sa Manila na umano'y nag-issue ng coronavirus test result na peke ang dokumento.
Kasalikuyang naka quarantine ang dalawang turista sa Aklan Training Center sa Kalibo at isasagawa rito ang RT PCR test. Nakatakda namang kasuhan ng mga awtoridad ang dalawang suspek.
Noong December 7, anim na turista galing Makati City ang kinasuhan ng mga awtoridad matapos mahuling nagpresinta ng pekeng RT PCR test sa Caticlan Jetty Port.
Mahalagang requirements ang RT PCR test sa mga turista bago sila papayagang pumasok sa Boracay. —LBG, GMA News