Isang rider ang nasawi matapos bumangga sa puno ang minamaneho niyang motorsiklo sa Barangay Santiago, Solsona Ilocos Norte.
Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Huwebes, kinilala ang biktima si Virgilio Seredon Jr., 34-anyos, residente ng Barangay Albano sa Dingras.
Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad nag-overshoot ang biktima sa pakurbang bahagi ng kalsada kaya nawalan ng kontrol at bumangga sa puno.
Sa lakas ng pagkabangga, tumilapon ang biktima at nabasag ang suot na helmet kaya nagtamo siya ng matinding sugat sa ulo.
Sinabi rin ng mga awtoridad na nakainom umano ang biktima.
Wala pang pahayag ang pamlya ng biktima, ayon sa ulat.--FRJ, GMA News