Tumataas ang bilang nga mga batang nahawaan ng COVID-19 sa Occidental Mindoro, at sa Batangas, batay sa tala haggang noong ika-2 ng Oktubre.

Uniulat ng "24-Oras News Alert" nitong Sabado na kasama ang tatlong bata sa mga bagong kaso ng coronavirus sa Occidental Mindoro.

Ayon sa ulat, walang travel history ang mga bata at hindi rin nakitaan ng sintomas.

Umabot na sa 120 ang confirmed cases sa lalawigan, at sa bilang na ito 18 ang active, at 98 ang nakarekober.  Apat naman ang namatay, ayon sa ulat.

Samatala, tatlong bata rin ang napabilang sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Batangas, at may edad na isa hanggang siyam. Halat sa kanila ay pawang mga taga-Barangay San Isidro.

Sa datos ng provincial health office, ang Batangas City ang may pinakamaraming kaso sa buong lalawigan na may 1,225 cases.

Sa lalawigan ng Bohol sa Central Visayas, isang buntis ang kabilang sa 12 new COVID-19 cases.

Napag-alamang positive siya nang magpa-swab test dahil requirement ito sa panganganak.

Aabot sa 82 ang active cases sa lalawigan na may 356 total confirmed cases, 255 recoveries, at 8 deaths. —LBG, GMA News