Isang radio DJ sa Cotabato City ang may kakaibang kasalo tuwing agahan: mga butiki.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, ugali ni Henjie Ali na maglagay ng pagkain sa hanging plants sa bahay nila para sa mga ibon.

Ngunit sa halip na ibon, mga butiki ang tumira sa mga halaman.

At dahil sadyang nature lover si Ali, napalapit na rin siya sa mga butiki at halos araw-araw na niyang pinapakain ang mga ito. —KBK, GMA News