Isang 65-anyos na Pinay ang basta na lang sinipa ng isang lalaki na nakasalubong niya sa Times Square sa Manhattan, New York City. Nang bumagsak ang biktima, ilang ulit pa siyang sinipa sa ulo ng salarin.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Vilma Kari, ayon sa ulat ng The New York Times.
Sa video na naka-post sa Twitter account na New York Police District News, makikita ang biktima na naglalakad nang sipain siya sa sikmura ng salarin na "black" man.
Natumba ang biktima at ilang beses pa siyang tinadyakan sa ulo bago umalis ang salarin.
????WANTED for ASSAULT: Do you know this guy? On 3/29/21 at approx 11:40 AM, in front of 360 W 43 St in Manhattan, the suspect punched and kicked a 65-year-old woman while making anti-Asian statements. Any info? DM @NYPDTips or anonymously call them at 800-577-TIPS. pic.twitter.com/WRE4kSHtRG
— NYPD NEWS (@NYPDnews) March 30, 2021
Sa isang Twitter post naman ng NYPD Hate Crime nitong Miyerkules, sinabing nadakip na ang salarin sa tulong ng mga impormasyon na ibinigay ng publiko
Thanks to assistance from the public and excellent investigative work by @NYPDHateCrimes Detectives, the individual wanted for Monday’s assault of a 65 year-old Asian female, at 360 West 43rd St, was arrested and charged with Felony Assault as a Hate Crime. pic.twitter.com/ZQRVGZEAb2
— NYPD Hate Crimes (@NYPDHateCrimes) March 31, 2021
Kamakailan lang, isa ring Asyanong lalaki ang inatake ng "black" man sa loob ng tren sa subway ng New York.
Pinagsusuntok at sinakal hanggang sa mawalan ng malay ang biktima.
Hindi pa nadarakip ang salarin.
Ilan lang ito sa dumadaming insidente ng "hate crime" laban sa mga Asyano sa Amerika. --FRJ, GMA News