Hindi sang-ayon si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na humirit ng pardon sa mga Pinoy drug dealers sa Middle East na napatunayang nagkasala na.
"My orders to my ambassadors there is exclude drug dealers from prisoner exchanges. You destroy my people I will...let the law abroad destroy you. Unlike in Indonesia, these dealers were not fooled," sabi ni Locsin sa kaniyang Twitter post.
Hindi malinaw kung ano ang nagtulak kay Locsin na magbigay ng naturang pahayag pero nakasaad na: "I smell a local connection to the local drug trade."
"Sorry. No mercy," dagdag pa ng kalihim.
I won’t allow the pardon of convicted Filipino drug dealers in the Middle East. My orders to my ambassadors there is exclude drug dealers from prisoner exchanges. You destroy my people I will kill let the law abroad destroy you. Unlike in Indonesia these dealers were not fooled.
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) September 25, 2020
Sa maraming bansang katulad ng sa sa Middle East, Indonesia at China, parusang kamatayan ang sinasapit ng mga napapatunayang nagpupuslit ng maramihang ilegal na droga.
Mula 2011, limang Filipino na drug couriers sa China ang naipatupad na ang hatol na kamatayan.
Noong 2010, nadakip sa Yogyakarta airport sa Indonesia si Mary Jane Veloso, na may dalang 2.6 kilo ng heroin.
Iginiit ni Veloso na hindi niya alam na may droga sa kaniyang bagahe at itinuro ang kaniyang recuiter na Filipino na nagpadala ng bagaheng may droga.
Ipinagpaliban ng Indonesian government ang pagpapatupad ng parusang kamatayan kay Veloso sa apela na rin ni dating Pangulong Benigno Aquino III kay President Jokowi, at gamitin ang OFW na testigo laban sa mga tunay na nasa likod ng pagpupuslit ng droga.-- FRJ, GMA News