Rumampa at nagpakitang-gilas ang walong Pilipinong lesbian para sa isang pageant sa Italya.

Sa GMA News "Balita Pilipinas" nitong Huwebes, sinabing sumabak ang mga kandidato sa kanilang mga swim wear at formal wear, na ikinahiyaw ng mga manonood.

Hindi rin sila nagpatalo sa kanilang talent portion, kung saan sila'y kumanta, sumayaw at nagpatawa.

Ipinakita rin nila ang kanilang talino sa inabangang question and answer portion.

Itinanghal si Kirk Cusi bilang "That's My Tomboy 2017." -- Jamil Santos/FRJ, GMA News