Lumitaw ang angking kagandahan ni Ysabel Ortega sa kaniyang glam na 1x1 ID picture na pinusuan ng netizens at celebrities.

Kinilig pa ang “YsaGuel” fans nang magkomento si Miguel Tanfelix sa post ni Ysabel sa Instagram.

“[P]uso ko ??????????” komento ng Kapuso actor.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing ipalalabas na ang kanilang multi-awarded movie na “Firefly” ng GMA Pictures sa Prime Video Philippines.

Mapapanood si Ysabel sa Regal Studio Presents na “Talking Ted” na tungkol sa pagiging fur parent sa Linggo.

 

 

— Jamil Santos/DVM, GMA Integrated News