Sinisante na ng mall na kaniyang pinagtatrabahuhan ang guwardiya na naghagis umano ng isang tuta mula sa isang footbridge sa Quezon City.

“With extreme sadness, we sympathize with the group of youngsters regarding the incident that happened outside our mall today,” sabi ng SM City North EDSA sa pahayag nito, na makikita rin sa GTV News "Balitanghali" ngayong Miyerkoles.

“We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation into the matter. The Security Guard has been dismissed and is no longer allowed to service any of our malls nationwide,” pagpapatuloy ng mall.

“As a pet-friendly establishment, we strongly condemn any acts that endanger or harm the lives of animals,” dagdag nito.

Nakikiisa naman ang ahensiyang may hawak sa security guard sa pag-iimbestiga sa insidente.

Wala pang pahayag ang security guard.

Ayon sa Animal Kingdom Foundation, sinita ng security guard ang isang grupo ng mga bata dahil ayaw umanong umalis sa lugar. Bilang panakot, kinuha raw ng guwardiya ang tuta at inihagis.

Dinala ng mga bata ang tuta sa beterinaryo pero idineklara itong dead on arrival.

Kinondena ng Animal Kingdom Foundation ang karahasan, na sinabing bukod sa animal cruelty, maituturing ding child abuse ang ginawa ng guwardiya.--FRJ, GMA Integrated News