Matapos ang rollback noong nakaraang buwan, inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang pagtaas ng singil sa kuryente ngayong November.
Sa isang advisory nitong Miyerkules, sinabi ng Meralco na nasa halos P0.084/kWh ang magiging dagdag singil.
Kaya naman, magiging P9.9472/kWh na ang singil ngayong buwan kumpara sa P9.8628/kWh noong October.
Ibig sabihin, ang isang household na nakakakonsumo ng 200 kWh kada buwan ay madadagdagan ng P17 sa kanilang bill.
Ayon sa power distributor, ang dagdag singil ay bunsod ng P0.0725 pagtaas sa generation cost.
Samantala, ang transmission taxes at iba pang singilin para sa residential electric consumers ay tumaas ng 1.19 centavos/kWh. —Mel Matthew Doctor/NB, GMA News