Nakatanggap si Ashley Ortega ng giant bouquet mula sa kaniyang kasintahang si Mavy Legaspi ngayong Valentine's Day.

Sa kaniyang Instagram Stories, na mapanonood din sa Balitanghali nitong Biyernes, makikitang personal na inihatid ni Mavy ang sorpresang regalo nito kay Ashley.

Priceless ang reaksyon ni Ashley sa ibinigay sa kaniya ng nobyo.

Inamin ni Ashley kamakailan na in a relationship sila ni Mavy.

“I think it’s obvious naman na. Yes,” sagot ni Ashley nang tanungin ni Tito Boy Abunda kung sila na ba ni Mavy.

Bago nito, ilang beses namataan sina Ashley at Mavy na magkasama.

Samantala, sinorpresa rin ni Paul Salas ng bouquet at regalo ang kasintahang si Mikee Quintos matapos ang taping ng dalaga sa "Lutong Bahay."

Dahil dito, tila nawala ang pagod ni Mikee at kinilig sa matatamis na gestures ni Paul. Hindi niya rin napigilang yakapin si Paul.

Nagpakilig din ang Team Jolly nina Sofia Pablo at Allen Ansay ngayong Araw ng mga Puso.

Pinost ni Sofia ang kanilang larawan ni Allen na magkasama.

Ayon sa dalaga, ika-anim na nilang Valentine's Day ni Allen at looking forward pa rin siya sa marami pang Valentine's Day kasama ang aktor.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News