Hindi pa man Disyembre, nakatanggap na si Herlene Budol ng maagang pamasko matapos siyang mangaroling kay Jose Mari Chan.
Sa kaniyang Tiktok account, na iniulat din sa Unang Balita nitong Huwebes, mapanonood na humiling si Herlene ng duet kay Jose Mari Chan ng “Christmas In Our Hearts.”
Sinamantala na rin ni Herlene na mangaroling sa Filipino singer-songwriter, ngunit hindi pa man natatapos, biglang binunot ni Jose Mari Chan ang kaniyang wallet at inabutan si Herlene ng aginaldong P1,000.
“First time ko sa buong buhay ko na mapamaskuhan ng P1,000,” saad ni Herlene.
Nangyari ito sa guesting ni Tito Jo sa Kapuso variety show na TiktoClock kung saan isa sa hosts si Herlene.
Dahil game si Jose Mari Chan sa pamimigay ng pamasko, natawag siya ni Herlene na “Chanta Claus.”
Nagpapirma rin si Herlene kay Tito Jo, at sinabi niyang hindi niya gagastusin ang pera.
@herlene_budol #fyp #foryoupage #fyp? #budol #herlenenicolebudol #hipongirl ? original sound - HerleneNicoleBudol
—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News