Kapuwa na-hack umano ang official YouTube accounts ng mga grupong SB19 at Ben&Ben.
Sa post ng SB19 sa X (dating Twitter) nitong Lunes, inihayag ng grupo na nakompromiso ang kanilang YT account.
“Our team has reported the incident to the relevant authorities involved to prevent similar occurrences in the future,” patuloy nito.
Inihayag din ng grupo na "under control" na ang lahat matapos silang gumawa kaagad ng aksyon.
Nagpasalamat din sila sa fans sa pag-unawa at patuloy na pagsuporta sa kanila.
Patuloy umano silang gumagawa ng hakbang para maprotektahan ang kanilang online account.
— 1Z ENTERTAINMENT (@1zentertainment) July 15, 2024
Pero hindi lang ang SB19 ang pinuntirya ng mga hacker dahil inanunsyo rin ng grupong Ben&Ben sa Facebook na na-hack ang kanilang YT account.
"Our team is working on fixing things ASAP. We'll keep you updated, Liwanag," ayon sa grupo.
Kapag binisita ang YouTube account ng grupo, makikita ang cryptocurrency-related video, pero nandoon pa rin ang mga dating music videos at vlogs ng grupo.-- FRJ, GMA Integrated News