Mapapanood na ang Kapuso limited series na “Maging Sino Ka Man” sa streaming service na Netflix simula Disyembre 10, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Ang “Maging Sino Ka Man” ay pinagbibidahan nina Barbie Forteza at David Licauco, na gumanap bilang sina Monique at Carding.

Hango ito sa 1991 film ng parehong titulo na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Senator Robin Padilla.

Mapapanood ang “Maging Sino Ka Man” sa streaming service sa Asia Pacific at Middle East sa Disyembre 10.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News