Ipinakita ni Gabby Concepcion kung gaano siya ka-proud na ama sa kaniyang anak na si KC Concepcion dahil sa ganda at tagumpay ng international film ng aktres na “Asian Persuasion.”

Sa Instagram, nag-post si Gabby ng mga larawan nila ni KC, kasama na ang mga larawan noong bata pa ang aktres.

Inihayag ni Gabby, na labis niyang na-enjoy ang bagong pelikula ng anak.

“Honestly, it was entertaining to watch 'ASIAN PERSUASION'. THEY WERE SO FUNNY!” anang aktor na bida sa Kapuso series na "Stolen Life."

Ayon kay Gabby, makilala niya ang cast member ng pelikula bago pa man ito simulang i-shoot.

Pinuri ni Gabby ang pelikula na tinawang niyang “down to earth” comedy, a good script, at may magandang soundtrack.

“Great work to the Director! Thanks to the Producers for getting the team together,” ayon kay Gabby.

“Congratulations to my daughter, KC, for landing a role in this movie! You make me proud! You can be anyone you want to! You make us all proud,” dagdag niya.

Kasamang pinuri ni Gabby ang mga aktor na kasama ng kaniyang anak sa pelikula.

“Thanks for making us laugh and cry at the same time. You are all an inspiration to us, your viewers, your fans,” patuloy niya.

 

 

Nakamit ng “Asian Persuasion” nitong Setyembre ang Audience Choice Award sa Soho International Film Festival,  na may 100 pelikulang kalahok. —FRJ, GMA Integrated News