Naglabas ng pahayag ang ABS-CBN kaugnay sa desisyon nito na hindi na iaapela sa Office of the President ang desisyon ng MTRCB na suspindihin ang noontime show na “It’s Showtime.”
Pagkatapos ng masusing pag-aaral, nagdesisyon ang ABS-CBN na hindi na iapela sa Office of the President ang desisyon ng MTRCB hinggil sa “It’s Showtime” at sa halip ay sasailalim sa 12-araw na suspensyon ang programa simula Oktubre 14.
Iginagalang namin ang awtoridad ng MTRCB, ngunit naniniwala kami na walang nangyaring paglabag ang “It’s Showtime” sa anumang batas.
Lubos kaming nagpapasalamat sa mga manonood sa kanilang patuloy na pagmamahal at suporta sa “It’s Showtime,” na babalik sa ere sa Oktubre 28 na mas pinalakas at pinaganda.
Maraming salamat, Madlang People!
Nitong nakaraang July 1 nang mapanood na rin sa GTV station ang naturang noontime show. -- FRJ, GMA Integrated News