Hindi raw kinakalimutan ng batikang choreographer na si Maribeth Bichara ang mga taong tumulong sa kaniya para marating ang kinaroroonan niya ngayon. Kabilang dito ang "karibal" niya noon sa pagiging sikat na choreographer na si Geleen Eugenio.

Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, tinanong ng King of Talk kung sino kina Maribeth at Eugene ang nauna sa industriya.

Kuwento ni Maribeth, mayroon na noong disco house si Geleen na lagi niyang pinupuntahan dahil sa mahilig siyang magsayaw.

Isang araw, nakatanggap siya ng tawag mula kay Geleen na nagpahayag ng paghanga sa husay niyang magsayaw.

Ayon kay Maribeth, ang unang salang niya sa pagtataghal kasama si Geleen ay sa Araneta Coliseum.

Kaya naman itinuturing ni Maribeth si Geleen na naka-discover sa kaniya.

Pero si Geleen, hindi na raw maalala ang nangyari.

"Kasi masyado siyang in love sa boyfriend niya," biro ni Maribeth.

Huwag natin pag-usapan ang love life noh," natatawang hirit ni Geleen.

Pero sino nga ba sa kanilang dalawa ang mas magaling magsayaw at mas maganda? Panoorin ang nakatutuwang kuwentuhan nila sa "Fast Talk with Boy Abunda.

--FRJ, GMA Integrated