May maagang regalo na natanggap para sa Father's Day si Bayani Agbayani mula sa kaniyang anak na si Rosalinda Marie na nagtapos na summa cum laude sa University of Sto Tomas.

Nitong Huwebes, nag-post si Bayani ng larawan at video sa Instagram sa naturang graduation ceremony ng unibersidad.

"Thank you Lord Summa Cum Laude po ang anak kong si Rosalinda Marie Rogacion sa UST College Of Tourism," saad ni Bayani sa caption sa larawan na kasama ang kaniyang anak na makikita ang medalya nito.

 

 

May hiwalay pang video post si Bayani na makikita na kasama sila ni Rosalinda na umakyat sa stage.

 

 

Sa naturang post, muling nakalagay ang caption na, "Salamat sa Diyos Summa Cum Laude ang anak kong si Rosalinda Marie," na may kasama pang masasayang emojis.

Sa comment section, tumanggap ng mga pagbati maging mula sa mga kapuwa niya celebrities sina Bayani.

Kabilang dito sina Jessa Zaragoza, Ogie Alcasid, Jayson Gainza, Jopay Paguia, John Estrada, Sylvia Sanchez at iba pa.

Isa rin si Jayson sa mga proud dad celebrities dahil nagtapos din sa kolehiyo ang kaniyang anak na si Ruby na cum laude sa UST din.

Saad ni Jayson sa kaniyang anak, “[love you,] salamat sa regalo mo sa amin ni mama mo.” --FRJ, GMA Integrated News