Hindi maitago nina Bea Alonzo at Dennis Trillo ang excitement sa pagbabalik-tambalan nila para sa upcoming Kapuso series na “Love Before Sunrise.”

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing 18 araw nang nagte-taping sina Bea at Dennis.

Sinabi ni Dennis na masaya siyang muling makatrabaho si Bea, lalo’t nakita niya ang malaking improvement nito.

Para naman kay Bea, “still the same kind of man” si Dennis na mas confident na ngayon bilang aktor.

Bukod sa “Love Before Sunrise,” nakatakda ring bumida sa isa pang serye si Dennis pagkatapos ng serye nila ni Bea.

Magiging judge naman si Bea sa “Battle of the Judges”. —Jamil Santos/KG, GMA Integrated News