Nakatanggap muli si Joaquin Domagoso ng pagkilala mula sa ibang bansa dahil sa kaniyang husay sa pagganap sa pelikulang "That Boy in the Dark."

Si Joaquin ang itinanghal na Best Actor sa Boden International Film Festival sa Sweden, ayon sa website ng naturang film festival.

Nakamit din ng "That Boy in the Dark" ang parangal bilang Best Feature Film, at si direk Adolf Alix Jr., ang nagwaging Best Director.

Ginagampanan ni Joaquin ang karakter ni "Knight," na may problema sa paningin. Pero sa kabila ng madilim niyang paligid, may misteryong kailangan siyang lutasin.

 

 

Nitong nakaraang Nobyembre, nakamit din ni Joaquin ang Best Actor award para sa nasabing pelikula sa nagdaang 16th Toronto Film and Script Awards.

Kasama si pelikula sina Lotlot De Leon, Ramon Christopher, Glydel Mercado, Nanding Josef, Charo Laude, Kiko Ipapo, at Sharmaine Santiago.

Ipalalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang "That Boy in the Dark" sa Enero 8.— FRJ, GMA Integrated News