Ibinahagi ni Ruru Madrid ang kaniyang pagbisita sa museum na HYBE Insight sa South Korea, kung saan tampok ang mga litrato, outfit at merchandise ng BTS.

Sa kaniyang Instagram, makikita si Ruru na wiling-wili sa paglilibot sa museum habang tinitingnan ang iba't ibang mga larawan at kagamitan na ginamit ng K-pop boy band.

Sa Unang Balita nitong Lunes, sinabing napa-"Sana all" ang leading lady ni Ruru sa "Lolong" na si Shaira Diaz, na fan din ng BTS.

Nasa South Korea si Ruru habang shinu-shoot ang Philippine adaptation ng Korea's longest reality TV show na "Running Man," kung saan bahagi ng cast ang aktor. —Jamil Santos/VBL, GMA News