Itinanghal na Best New Artist sa 64th Grammy Awards nitong Linggo, Abril 3, 2022, ang Fil-Am hitmaker na si Olivia Rodrigo.
Sa una niyang pagtatanghal sa awards night, ibinida niya ang kaniyang multi-nominated song na "Driver's License."
Bukod sa Best New Artist category, nominado rin si Olivia sa anim pang awards, kabilang ang Album of the Year, Song of the Year, Record of the Year, Best Pop Solo Performance, Best Pop Vocal Album, at Best Music Video.
Nag-trending sa Twitter si Olivia, hindi lang sa natanggap niyang pagkilala sa Grammy, kung hindi maging ang nahuli-cam na bulungan nila ni Taehyung o si V ng BTS.
Maging ang Pinay international artist na si Lea Salonga ay nag-tweet tungkol sa naturang bulungan ng dalawa.
"Okay, can we talk about @BTS_twt’s Grammy performance with Jung Kook’s entrance from the ceiling, V whispering in Olivia’s ear, Jin hacking everything, and that dance break? That took me right out! Sooooo good! #GRAMMYs," ani Lea.
--FRJ, GMA News