Idineklara ng bagong republika na Barbados na national hero nila ang singer na si Rihanna, na lumaki sa Bridgetown.
Sa ulat ng Reuter, sinabing inanunsyo ni Prime Minister Mia Mottley ang pagggawad sa 33-anyos na mang-aawit bilang National Hero of Barbados.
Dinaluhan mismo ni Rihanna ang pagtitipon at tumanggap siya ng mainit na pagbati mula sa mga dumalo.
"May you continue to shine like a diamond and bring honour to your nation by your works, by your actions," sabi ni Mottley kay Rihanna, patungkol sa 2012 chart-topping single ng mang-aawit na "Diamonds."
Nagdeklara ang Barbados bilang isang republika matapos na opisyal na alisin na nila bilang pinuno ng estado si Queen Elizabeth II.
Ilang siglo na nasa ilalim ng impluwensiya ng Britanya ang Barbados.— Reuter/FRJ, GMA News