Isinilang na ni Nadine Samonte ang ikatlong anak nila ng kaniyang mister na si Richard Chua.
Sa Instagram post, ipinakilala ni Nadine ang bagong dagdag sa kanilang pamilya na si Harmony Saige Chua.
"God is truly amazing Thank you Lord," caption ng aktres sa larawan nila habang nasa ospital. "Grabe ang journey ng third ko pero we survived."
Una rito, inilahad ni Nadine ang hirap sa kaniyang pagbubuntis dahil sa Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS) at Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS).
"Thanks everyone for congratulating us and sending prayers before ako pumunta sa OR," sabi ni Nadine. "To my husband @rboy_chua thank you for taking care of the kids at mas kabado kpa kesa skin hahaha love you and the kids so much."
Taong 2013 nang ikasal sina Nadine at Richard, at sina Heather at Titus ang dalawa pa nilang anak. —FRJ, GMA News