Inihayag ni sexy Kapuso at "Bubble Gang" babe Faye Lorenzo ang ayaw at gusto niya sa isang lalaki.
"Sa akin siyempre unang-una, ugali eh," sabi ni Faye sa "Give Me 5" ng GMANetwork.com.
"Bonus na lang din siguro 'yung hitsura, pero more on sa 'kin talaga 'yung ugali eh, 'yung kung paano ka itrato. As in minsan ako, tinitingnan ko talaga kung paano siya mag-treat, paano niya kausapin 'yung magulang niya, 'yung parents niya para makita ko kung ano talaga ang ugali niya," paliwanag niya.
Katulad niya, gusto rin ni Faye sa lalaki ang masipag.
"Kung sa umpisa pa lang tatamad-tamad na, ano pa sa future," paliwanag niya.
Gusto rin ni Faye sa lalaki ang maganda ang mata at ngipin na una niyang napapansin.
"Magandang ipin kasi siyempre di ba yon ang unang-una mong makikita. Gusto mo naman maayos ang ngipin," natatawa niyang paliwanag.
Hanap din ni Faye sa lalaki ang may malinis na paa at walang amoy.
"Siyempre ayoko rin ng mabahong paa, gusto ko malinis din ang paa," natatawang sabi ni Faye. --FRJ, GMA News