Para sa taong 2021, inihayag ni Sanya Lopez ang kaniyang New Year's Resolution na hindi muna siya agad-agad na magtitiwala.
"My New Year's Resolution is of course, never trust so easily. Mabilis kasi akong maniwala. So sometimes it is better to trust yourself pala muna. Minsan kasi in the end, lumalabas na mas tama pala 'yung decisions mo," sabi ni Sanya sa isang video ng GMA Network.
"My other New Year's Resolution is magtipid. Kailangan kong mas mag-save ngayon dahil sa bagong obligation ko sa buhay," dagdag ni Sanya.
Kasama sa mga plano ni Sanya ngayong taon na matapos na ang pagpapagawa ng kaniyang bahay. Kinukumpleto na ang pagsasaayos ng kaniyang walk-in closet at studio kung saan niya kukunan ang kaniyang vlog at endorsements.
"My goal for 2021 naman is to work, work and work lalo na ngayong nadadagdagan 'yung mga babayaran ko, mas malaking responsibility kasi siya ngayon compared before," anang Kapuso actress.
Si Sanya ang magiging leading lady ni Gabby Concepcion sa series na "First Yaya."
Natuklasan ni Sanya na hindi madali ang mag-comedy.
"Kaya ko rin palang mag-comedy. Hindi pala siya madali compared sa pag-drama. Na-realize ko 'yun when we're shooting 'First Yaya' so I'm really, really with our director LA (Madridejos) sa patience niya. Marami akong natutunan sa kaniya.--FRJ, GMA News