Sa isang morning talk show, natanong ang Asia's Multimedia star na si Alden Richards kung ano ang nakikita niya sa sarili pagkaraan ng limang taon.
"How do you see yourself five years from now?" tanong kay Alden ng host sa BizTalk ng Early Edition ng GMA Regional TV.
"Five years from now? Probably a family," tugon naman ng Kapuso actor.
Dagdag pa ni Alden, handa rin siyang talikuran ang pagiging isang "celebrity," ngunit hindi raw niya maiiwan ang pagiging isang "aktor."
"I can give up being a celebrity, but I will not give up acting. Those are two different factors for me kasi," saad niya.
"Being an actor for me, you get a peek of different lives of people everyday. In the roles that I make I always make sure that I learned something new from them and contribute it to my personality doon sa totoong ako," paliwanag ni Alden.
Na-miss daw ni Alden ang oras niya sa sarili at sa pamilya noong hindi pa siya isang celebrity.
"Siyempre when we were young, less responsibilities, wala kang masyadong iisipin, mag-aaral ka lang, pasok ka sa school, maglalaro ka lang, makikipagkulitan ka lang sa barkada mo," pahayag niya.
"And then of course, most especially 'yung time, 'yun 'yung nawala, time with family, time for yourself. Even nawala rin 'yung time for the Lord," pagpapatuloy ni Alden.
Gayunman, nauna nang inilahad ni Alden na ang pananampalataya niya sa Diyos ang kaniyang pinagkapitan nitong panahon ng pandemya.--FRJ, GMA News