Ibinahagi ni Aiko Melendez ang kaniyang sikreto kung paano niya na-achieve ang pagiging fit ngayong panahon ng quarantine. Kabilang dito ang pagbabantay sa kaniyang calorie intake.
"I went as low as 500 calories on my first month, gano'n ka-wild talaga," sabi ni Aiko sa GMA News "Unang Hirit" nitong Martes.
"'Yung discipline ko talaga, tinaon ko, quarantine tayo ngayon, at least sa bahay lang ako, monitored ko 'yung pagkain ko. I have to prepare my meal, kina-count ko 'yun, may app ako to count the food I eat. Disiplinado and the lifestyle talaga, I had to change it," kuwento niya.
Bukod sa pananatili sa kaniyang fitness, meron ding online business si Aiko na pagbebenta ng mga anti-virus necklace at mga lamp.
Ikinuwento rin ni Aiko ang kaniyang weight loss journey sa kaniyang vlog, kung saan inamin ng "Prima Donnas" star na nakarinig pa siya ng ilang masasakit na salita.
"Andiyan 'yung tinawag nila akong mukhang nanay, eh nanay naman talaga ako. Proud ako na nanay ako ni Andre at ni Martina. Mukhang aparador, ine-edit ko daw picture [ko], eh wala naman akong time mag-edit. Hindi ako marunong mag-edit ng picture," saad niya.--Jamil Santos/FRJ, GMA News