Hinikayat ni Marvin Agustin ang publiko na kamustahin ang mga kamag-anak nilang frontliner at palakasin ang kanilang loob, matapos niyang malaman ang kalagayan ng kapatid na nurse sa Canada.
Sa kaniyang Tweet, ibinahagi ni Marvin ang naging usapan nila ng kaniyang ate nang kamustahin niya ito.
“Pagod lagi sa trabaho. Hindi lang physical. Mababa din ang morale sa workplace ko. Even before COVID pa naman. Worse pa ngayon. For the past 2 days, naiiyak ako tuwing bago pumasok. But as soon as I get to work, mukhang okay lang ako," pagbahagi ni Marvin sa komunikasyon niya sa kaniyang Ate Cheng.
I checked on my sister, shes a nurse in Canada. Yan ang text back nya...
— IG: @MarvinAgustin (@marvin_agustin) April 9, 2020
Hirap na hirap sila, 1st world pa yun. Lalo na mga kababayan natin dito... Mahalin at kamustahin nyo mga kamag-anak nyo lalo na kung nasa health/medical industry sila. Palakasin nyo loob nila... pic.twitter.com/LfhCosFnRR
Dagdag pa ng nakatatandang kapatid ni Marvin, nalungkot ito nang mabalitaan ang pagkamatay ng isang Pilipinong frontliner sa Canada, na may asawa at apat na taong gulang na anak.
“This pandemic is making me really think hard. I won't quit work now. I don't know if I will but I would definitely make changes when the right time comes," saad umano ni Cheng.
Dahil dito, nakiusap si Marvin na laging alalahanin ang mga kamag-anak na frontliner.
"Hirap na hirap sila, 1st world pa yun. Lalo na mga kababayan natin dito... Mahalin at kamustahin nyo mga kamag-anak nyo lalo na kung nasa health/medical industry sila. Palakasin nyo loob nila..." ani Marvin.
Sa sumunod na tweet ni Marvin, muli niyang pinaalalahanan ang publiko na manatili na lamang sa loob ng bahay.
"Grabe dusa at sakripisyo nila. Grabe panganib sa buhay nila. Gusto na nila sumuko pero di nila gagawin para sa atin. Sa mga kayang manatili sa bahay, PLEASE STAY HOME. Wag na natin dagdagan ang bigat na nararamdaman nila#frontlineworkers"
Grabe dusa at sakripisyo nila. Grabe panganib sa buhay nila. Gusto na nila sumuko pero di nila gagawin para sa atin. Sa mga kayang manatili sa bahay, PLEASE STAY HOME. Wag na natin dagdagan ang bigat na nararamdaman nila???????? #frontlineworkers
— IG: @MarvinAgustin (@marvin_agustin) April 9, 2020
Kamakailan lang, ipinaabot din ni Aicelle Santos ang kaniyang panalangin at pag-aalala para sa kapatid niyang nurse na nasa UK.
Tulad ni Aicelle, may kapatid ding nurse si Alden Richards na frontliner naman sa California, USA na mayroon ding malaking bilang ng mga COVID-19 patients.
Naging emosyon pa nga si Alden nang mapag-usapan ang kapatid na nurse sa nakaraang panayam sa kaniya.--Jamil Santos/FRJ, GMA News