Maraming ginulat si Sheryl Cruz sa sexy photos at cover niya para sa isang online men’s magazine noong September 2019. Hindi rin nakaligtas ang aktres sa tanong kung nagpa-enhance ba siya ng dibdib.

Umamin ng papuri ang kaseksihan ni Sheryl. Marami rin ang nakapansin sa boobs ng aktres at napatanong totoo ba iyon o kung nagpa-enhance siya ng dibdib.

Tumawa muna si Sheryl bago nag-react, “First of all, tingnan niyo yung aking nanay, di ba?

"Yung side ng mother ko, sa Sonora side, meron tayong mga late bloomers, tama ba?

"So, kayo na po ang bahala if you want to accept it or not, di ba?

“At may mga late bloomers nga, gaya ng sabi ko."

Ang ina ni Sheryl ay ang dating aktres na si Rosemarie Sonora, kapatid ng veteran actress na si Susan Roces.

So, totoo ang boobs niya at hindi fake?

Saad ni Sheryl, “Basta, ganito na lang. Maraming may opinyon, so kayo na po yung bahala.

"Basta yung sa akin lang, ang alam ko lang, kung ano yung ibinigay sa akin, iyon lang yung binigay sa akin!

“Ganun lang!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sheryl sa mediacon ng "Magkaagaw" noong October 15.

Kuwento pa ni Sheryl tungkol sa daring pictorial niya, “Hindi naman ako pinilit.

"Kasi, kilala niyo naman siguro ako, na ayoko naman din na kahit papaano, mag-reflect na para bang hindi ko man lang inisip kung ano ang sasabihin sa family ko, or sa daughter ko.

“Yung daughter ko ang pinakaunang naging proud!

"Sabi nga niya sa akin, ‘Mom, at your age, if you have the body, flaunt it!’

“Sabi niya sa akin, ‘Mom, it’s fashion.’

“That’s the first thing she told me yung naka-jacket ako na brown, ‘It’s fashion.’

"Sabi niya, ‘Other celebrities do it not only here but abroad.’

“Sabi niya, ‘Yung iba, mas over-over pa nga sa ginagawa mo but because of your name, that’s why they’re gonna say something.’”

Unang beses na nagpaseksi si Sheryl sa isang pictorial.

Nagtu-two piece na siya sa mga pelikula niya sa Seiko Films noong dalaga pa siya.

“Kaso nga lang, di ba, hindi pa nga ganun ka-blessed?” at tumawa ang Kapuso actress.

“Kumbaga, sabi sa inyo, late bloomer, sabi nga ng mom ko, I’m a late-bloomer.

“Minsan nga, nahihirapan na nga ako because yung mga suot ko, di ba?

"Kahit na sabihin mong kasya sa akin, pagka medyo ano, hahapit, ang sakit, ang sikip!” --For more showbiz news, visit PEP.ph