Pumanaw na nitong Martes ang dating matinee idol at naging kongresista ng San Juan na si Jose Mari Gonzales.
Ang pagpanaw ni Jose Mari ay kinumpirma sa Facebook post na kaniyang anak at dating aktres na si Cristina Gonzales-Romualdez, na kilala rin bilang si Kring-Kring.
"Goodbye Dad! You have been a Blessing to Mom me jolong mike anna chemari and to our whole family. I am blessed to have you as my father," saad ni Cristina.
"So many good memories with you and Mom since we were little never failing to take us with you on your trips out of town. Being quite strict to us but within reason. I have learned so much from you. You will always be in our hearts! We love you Dad!," patuloy niya.
Sa Facebook post naman ng showbiz writer na si Aster Amoyo, sinabi nito na pneumonia at cardiac arrest ang dahilan ng pagpanaw ni Jose Mari, nagsimula noong 1950's sa showbiz sa edad na 17.
Kabilang sa mga nagawa niyang pelikula ay "Ulilang Anghel," "Mga Anghel Sa Lansangan," "Handsome," "Baby Face," "Palaboy," "Sugat Sa Balikat," at marami pang iba.
Nang tumigil sa showbiz, naging pinuno siya ng Bureau of Broadcast at RPN 9, at nagsilbing kongresista ng San Juan City noong 1998 hanggang 2002. -- FRJ, GMA News